Ang INK / Adarna House: Hale, Hale, Hoy!

Hale, Hale, Hoy!
Adarna HouseHale, Hale, Hoy!

Ang Hale, Hale, Hoy! ay binubuo ng halos 200 laro, kanta, tugma at bugtong mula sa mayamang baul ng ating kultura, na patuloy na kumikiliti sa imahinasyon ng mga bata at pumupukaw sa damdamin at alala ng matatanda.

Muling ibinabalik ng Ang Ilustrador ng Kabataan (Ang I.N.K.), isang organisasyon ng mga ilustrador ng aklat pambata, ang mga nakagigiliw at nakatutuwang laro, kanta, tugma, at bugtong na nagpapasaya't nagpapakulay ng kabataang Filipino.

Sa kabuuan, ang kalipunang ito ay naglalaman ng 20 laro, 16 kanta, 46 tugma, at 90 bugtong na masusing pinili ng Adarna House at binigyang buhay ng mga miyembro ng Ang I.N.K.

Marunong ba kayong maglaro ng buwan-buwan?

Kilala ba ninyo si Lelong na bubulong-bulong?

Bakit pakendeng-kendeng ang paruparong bukid?

Lubi-lubi nga ba ang huling buwan ng taon?

» Bumili ng Libro